Friday, February 25, 2011
THE PINOY FICTIONAL SCI-FI SERIES labyrinth corp. episode 5""
We've met Queenie from episode 4. Now the story is still on the go.
wayback sa kwento natin on that episode, nakadiscover nga sila ng bagong paraan na mas mabilis at mas convenient na makagawa ng scientifically-made na genetic babies o sanggol na posibleng magbigay sakanila ng batalyong mga sundalo when the right time comes.
Patuloy pa rin silang nanaliksik kung ano ang pagkakaiba ng sanggol na nagawa nila through this mutant myosin thing. Inuwi muna ni Queenie sa kanya yung bata at naghire ng yaya which is an apprentice scientist din. Napansin nilang few days old pa lang yung baby pero nakakapaginteract na agad sakanila. Tinuruan ito ni Queenie na parang sariling anak. Agad namang natuto itong magsulat at magbasa within that time. Sinabihan nya si yaya a.k.a. scientist apprentice na oras oras nitong turuan ang bata. Sa feeding mechanisms wala namang problema sa bata dahil para ding ordinaryong tao na nagugutom. Wala sa kanyang masyadong nakita na extra ordinaryo bukod sa pagiging fast learner at interactive ng sanggol. Umiiyak sya gaya ng normal na sanggol when he feels that he is alone. Pinangalanan syang si Brian na hango sa salitang "Brain" dala ng pagiging mautak ng bata.
Habang si Dr. Labyrinth naman ay abala sa lab., Si Queen ang nagasikaso kay super baby Brian.
Ginagawa naman nila yung task nila sa Gobyerno ng mabuti. At pag tapos na ang working hours ni Dr. Labyrinth, iniisa nyang ginawa yung procedure kung paano nabuo si baby Brian. gumawa pa sya ng pito pang laboratory babies sa kanyang laboratory garden. Under prenatal pa lang kaya hindi pa pwedeng ilabas sa seed pit.
Si Dr. Queen Tang naman ay nakagawa ng isang machine that can control pressure, nuclear waves,gas particles at radioactivity. Nagkaroon pa siya ng award sa isang pagtitipon at ang kasalukuyang presidenteng si Mr. Apolinario Sungcang. Marami pa ngang nagtangkang magbreak in sa kanyang lab. at mga nagtangka sa buhay nila ni Juan para lang makuha ang ideya ni Queen. Nilaunch pa lang kasi yung makina, namangha na sila dahil sa isang lukob na kwarto, naidemo ni Queen that this machine can make the furnitures inside to float sa tulong ng nakokontrol na gas particles at nuclear waves ng makina. Hindi natin alam kung paano nya nabuo ito pero ang tiyak ay bunga ito ng kanyang pagsisikap. Hindi ito for commercial use kaya ito ay reserved product muna ng government iyon ang hiniling ni Queen sa presidente.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, Na inaaral na ng napakagandang scientist na ito kung paano niya mailalapat ang attributes o nagagawa ng majkina sa tao, particularly kay baby Brian na 3 weeks old na magmula nung kinuha sya sa loob ng endoplasmic coating inside the gigantic seed android. Tinurok nya yung chemicals na nakakpagproduce ng nuclear atoms,radioactive molecules at isang substance na malapit sa family ng magnetic iron. Sobrang bata pa talaga ng sanggol at Medyo morbid man, pero sa tingin ko bale wala lng kay baby brian ung reaction sa kanya ng mga ininject. Kapag umiiyak ang sanggol dahil nagugutom,kasabay ng kumakalat nyang boses, ay ang yumayanig na force na kung ano na hindi makita ibig sabihin invisible yung pwersa na nakakapagpayanig sa mga gamit sa paligid. Yung mga tools at cabinetries ay halos matumba na sa simpleng ngawngaw ni baby Brian.
Laking tuwa naman ni Queen. Panibagong discovery nanaman. Pero as usual pag outside nang government work at nasasakop ng inside job nila, Sya at si Juan Labyrinth lang talaga ang makakaalam.
[see episode 6]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment