Thursday, February 24, 2011

THE PINOY FICTIONAL SCI-FI SERIES labyrinth corp. episode 3"




yung matandang retired scientist na namention earlier wag nyo na pansinin yon haha paepal na karakter lang yon panu ba naman hindi pa nga natin nalalaman yung motibo at kaugnayan nya kay juan at kung bakit nya pupuntahan e inatake na pala sa puso haha nice one. Pero malay natin me congruency sa pagkamatay nya at sa paguumpisa ng Labyrinth corporation :]

Naging Higher authority na nga si Dr. Labyrinth sa karamihan ng research institutes, organizations at facilities ng gobyerno at ng Pilipinas. Nung umpisa ng kwento hindi pa natin gaanong nakita kung ano ang mga saloobin ni Juan Labyrinth. Pero ngayon we'll be going to the depths of his personality.

Sa panahon ni Dr. Labyrinth which is year 2009 na, the Philippines already had its freedom. Nung mapatalsik si Marcos hanggang sa nagbago ang paraan ng pamamahala sa bansa. Pero gaya nga ng sabi kahit sa pananamit e cycle lng diba. Halimbawa mauuso ung chekered na polo dati..tapos malalos ng mga t-shirts tapos mapapnsin natin bumabalik nanaman ung mga vintage. Naisip nya na parang ganun din mula dictatorial ni marcos walang kalayaan yung mga tao nyan. Tapos magkakaisa yung masa para lumaban sa mahigpit na pamamalakad. Then temporarily magkakaroon ng kapayapaan, tapos magkakakumpiyansa na ang mga taong gumawa ng masama nanaman at manamantala dahil wala ng kinatatakutang nakakataas. Yun nga ang lalong lumalala ngayon s taong 2009. Sunud-sunod na pagpapatay sa pulitiko,mga ordinaryong sibilyan,mamahayag, carnappings, discrepancy sa operasyon ng mga pulis at maging mga opisyal sa gobyerno nagnanakaw sa kaban ng bayan. Kahit nga naman sa ibang bansa hindi naman ito nawawala.

Naisip ni Juan na kung hindi man nya malaman kung bakit ganoon sya kaiba sa mga ordinaryong nilalang, may nais syang gawin para mapigilan ang kabuktutan ng mga nasa paligid nya. Sya kasi yung tipong perfectionist, pero hindi sya matapobre o mapagmalaki na nangmamaliit. Understanding nga sya at kaya nya gagawin ito dahil ito ang paraan nya at magagawa nya upang makatulong o makapagambag sa Pilipinas na bansa nya at kalaunan sa buong mundo.

Hindi nya inilabas ang ibang mga breakthrough at findings na nakukuha nya dahil wala nga syang tiwala s mga nanunungkulan s taas.Mayroon syang bestfriend na babae si Queenie na ipinanganak ding gifted pero hanggang dun lang dahil si Juan ay extra ordinaryo, o diba parang your ordinary teenage story lang kasi nga si Juan ang field ng trabaho nya usually pang 30's na pero batang bata pa sya at 23 years old. Pinagkakatiwalaan nya si Queenie na Kabarkada at tunay na kaibigan. She's the type of girl na go to the flow s gusto lalo na ng mga taong mahal at kaibigan nya. Makikilala natin si Queenie in the next episode (to be continued)

No comments:

Post a Comment